Pages

Sunday, March 29, 2009

found some old stuff

I was digging thru a box last night trying to locate my old school ID I have seemed to lost. Much to my surprise I did find it and I did found some old birthday card that my dabarkads in college gave it to me a day after my Birthday in Gaisano mall of Davao in Sonic Boom area where I played Samurai shadown 4. I remember vividly It was of October 19, 1998 they gave the card to me. we called ourselves
CAMPUS CELEBRITIES


when my parents asked me to leave davao and stay sa province namin, they sent me a letter, and since i left my birthday card sa isa naming kabarkada isinama na lang nila sa letter.

Campus Celebrities are:

Dennis - (aka bueyes) he is my bestfriend, hes always there for meno matter what, whenever i need him most, he never leave me alone, and of course cum laude sya sa batch namin.unta anhi ka manila ha mga may, dayo ta ha.


kaya ganyan message na sa akin maganda kasi boses nya, unfortunately on my part napaka wala sa tuno ako, mahilig kami kumain ng bbq at mag videoke.and take note sa kanya ko na learned mag BLOG,

Ella - (aka chuella) sya naman ang laging ka kompetensya ni dennis, matalino din ito. Ka relasyon ko sya dati (hahahaha) kumusta na kaya ito? Huling balita ko sa kanya dean na sya sa isang College school sa davao ComSci dept. unfortunately na corrupt yong files ko kaya wala syang pix now. (upload ko later)
(si ella yong nasa left)

Edison - (aka Redskin) si edison naman 2nd honor campus crush sy sa school, gwapo sya dami gurls naghahabol kaso masyado syang kontrobersyal.. (hmmmm) hahahaha bakit kaya?Jona - well, nasa australia lang naman sya, nag aral ng Photography mayaman na ata to kasi nakapag-asawa ng aussie, i remember na pumunts kami sa bahay nila para kumain tapos nag share sya about her feelings kay kevin, nainlove sya kaso bata pa sa kanya, nalaman ko na lang sa letter na nag hiwalay na sila.

Marvi - aka fantine well wala me masyado naalala sa kanya pero ang alam ko sumali kami sa "maria polis" (di ko alam kung ama ang spelling tagal na kasi yon eh) magaling sya matalino honor din sya. alam ko na fave nya dati ang pabango na Gender2000.
Owen (ako) - (aka Daryl d hadsome hunk)kung si edison ay campus crush ako naman ang Hearthrob sa school, ang layo kasi ng itsura ko dati sa ngayon hahahaha.


I was like 21 yrs old that time mejo conscious pa ako sa health that time, active me sa sports, table tennis, lawn tennis and volleyball. kaya mejo fit pa me jan, gwapo ko no? hahaha walang papalag.Dati kaming adik sa chat sa TELNET Fapenet, hahahaha kaya may mga nick pa kami jan baka magtaka kayo.. ako yong pinaka palaaway sa amin, lagi namin inaaway ang mgataga NAGA.

Dumating sa point na after class naghahabulan na kami papuntang library para mag chat kasi mahal ng net dati its like
80-100 bucks per hour. kaya nagtya-tyaga kami mag net sa library, wanted na kami sa library kasi sobrang ingay namin nagagalit na yong librarian ng kung makapag skirt sya sobrang highwaist kaya pinagtatawanan namin sya, later nalang cguro napansin nya,
nag improve na sya at hindi na sya highwaist ang tawag naman namin sa kanya si ms improve.


dumating sa point na bawal na magchat sa library kaya ag ginawa namin patago, at minsan nahuli kami ni sir Rolly(yong nagbabantay sa net) na banned kami hahahah.

sarap balik balikan ang mga ngyayari sa buhay namin sa college, may kunting tampohan, kakulitan at ang pinakafave naming gawin after school ay ang mag-malling. kasi likod ng school namin (UIC Bankerohan) palengke, kaya amoy palengke.

Kaso lang after ng 2nd yr college nag shift me ng course, umuwi me sa province lumipat ng school kaya sobra na lang ang lungkot na adarama ko after that have to start a new life build a new friends.

Pero ngayon meron akong constant communication with dennis, minsa si jona at edison, si marvi wala na me balita sa kanya lalo na si Ella.

Kung saan man sila ngayon I hope naalala pa nila yong friendship namin at sana nasa mabuting kalagyan sila.

i missed you guys...



Tuesday, March 24, 2009

Happy Graduation day

happy graduation day!!!!

"congratulation sis, i know na gusto mo na anjan ako pero di kaya ng budget, sana maintindihan mo ako, i miss you so much and im very proud.
Always pray to God alam ko kaya natin to.. tulungan natin si mama, ako din gusto kong pumunta pero mahirap, kulangin ako.. basta uwi na lang pag nakipon na..
i love you so much.. "




Monday, March 23, 2009

ang bilis ng karma...

Di ko alam kung sino sa kanila ang magnanakaw.. 3 kami sa apartment mga friend ko, siguro this time di nila ako masisisi kung irereport ko na to sa police. simula ng malipat ako jan 4 na beses na me nanakawan plus yong friend ko ninakawan din. 2gurl ang kasama ko sa apartment pero magkasama sila sa room, pero ako lang mag isa sa room kaso nga lang walang lock pag umaalis me sa bahay.

maalala ko nung december pera ko worth 2500 ang ninakaw sa akin, phone ko worth 5500, tatlong every other day ata yon tapos when i invited my friend para mag inoman sa bahay itouch na naman nya ninanakaw, lahat ito nawala sa sala namin so kala ko ibang tao ang magnanakaw, pero na realize ko nung march 1 2009, iba na! bago ako mahospital ninakawan na naman ako ng 2000 sa room ko.

during that time walang ibang tao kundi ako, hauzmate ko na dalawang babae at mga 2 friend ko na lalaki, na realize ko kung ibang tao ang magnanakaw bakit pera lang ang kinuha, bakit yong dalawang watch ko andun pa rin pati ipod ko. dahil kung ibang tao ang nagnakaw ng pera ko di sana kinuha na nya pati watch ko na timex at fossil kasama na ipod, pero hindi eh, paunti unti.

sabi ko sa kanila, cge ok lang baka nahihirapan din yong tao makakarma na din yon.

pero last week, last tuesday yong 2 watch ko na naman ninakaw, ang masakit lang dun yong 2 watch ko bigay sa akin ng special friend ko, sabi ko hindi na to tama, nag magkakausap kami lahat sa bahay, sabi ko ibalik na lang yong watch ko kasi may sentimental value yan sa akin, after that walang kumilos sinurprisa ko sila nag usap ulit kami this time sabi ko galing me sa NBI bibigyan ko kayo ng 24hours para sauli nyo yong 2watch ko, itext nyo lang ako papatawarin ko kayo, i-try ko unawain ko kayo explain nyo lang bakit nyo nagawa sa akin.

feeling ko kasi kung sino man nagnakaw ng watch ko, sya din kumuha ng pera ko at phone ko at itouch ng friend ko.

after 4hours sometextd me number lang, ibabalik daw nya yong watch ko, pero di na kami daw mag uusap, since yong isang hauzmate ko kakapalit lang daw nya ng number i assume sa kanya yong txt na yon, pero when i textd her wid her name and question mark, she replied like "whos dis?" nagtataka tuloy ako.

what id did kinausap ko yong nag text sa akin,

i ask her "nagtext ka ba sa akin"

she replied "no, wala me number sayo dba nag change ako apat lang nakakaalm ng number ko"

idiin na naman nya yong isang kasama na babae, na ganito ganun daw, sobrang napaniwala naman ako, pero nung kinausap na kami ng management bakit yong salysay nya sa akin i di nagmamatch.

posible na sya ang kumuha, posible din na totoo ang sabi nya na yong isang kasama namin ang kumuha pero base on thier statements feeling ko talaga sya ang magnanakaw. nagwork sya sa callcenter, before matapos ang usapan namin with the management sabi ko talaga,

ikaw gurl1 "mamatay man ang mama mo or isa sa pamilya mo, matatanggal ka sa work, kung nag sisinung aling ka sa akin"

she replied "oo mamatay man silang lahat kung nagsisinung aling ako, dahil alam ng Diyos hindi ako kumuha."

i did the same thing with gurl2, isinama ko ng mag BF nila, ganun din parereho lang sinasabi nila sa akin..

ang bilis talaga ng Karma....

Kahapon, nalaman ko na ito pala si gurl1 na terminate sa work..

so ano kaya? what do u think? Gods answered prayer or totoo talaga na karma na ito?

pero di pa rin ako satisfied eh.. unless walang umaamin.. basta may isa pang karma na darating di ako papayag.. pag babayaran nya.


Monday, March 16, 2009

concrete angel

martina mcbride



She walks to school with the lunch she packed
Nobody knows what she's holding back
Wearing the same dress she wore yesterday
She hides the bruises with the linen and lace, oh

The teacher wonders but she doesn't ask
It's hard to see the pain behind the mask
Bearing the burden of a secret storm
Sometimes she wishes she was never born

Through the wind and the rain she stands hard as a stone
In a world that she can't rise above
But her dreams give her wings and she flies to a place
Where she's loved concrete angel

Somebody cries in the middle of the night
The neighbors hear but they turn out the light
A fragile soul caught in the hands of fate
When morning comes it will be too late

A statue stands in a shaded place
An angel girl with an upturned face
A name is written on a polished rock
A broken heart that the world forgot

so sad.. this is so sad, it shatters my heart when i saw this video and it makes me cry, (deep breathe) why can't people stop this kind of stuff. i wish i could do something to prevent and STOP CHILD ABUSE.

How could some peolpe do this to their love ones.


Saturday, March 14, 2009

operation success

Finally natapos na rin ang operation siguro na admit ako from sunday march 8 till wednesday march 11. sa wakas at mejo nakahinga na rin me dahil before operation sobrang kaba at takot ang nararamdaman ko.
march 9 at around 9am dinala na ako sa operating room, sobra kaba ko at takot ang nararamdaman ko, hindi dahil sa ooperahan ako kundi dahil naka hubad ako.. ano ba yan, di naman ako sa tiyan or kung sang part ooperahan at bakit kelangan pang nakahubad, no choice SOP daw.
ayon nakamonitor lahat yong heartbeat ko, oxygen sa utak, blood pressure, at ang masakit pa dun wala me kain, NPO na me since 12 midnyt.
tinurok na sa akin yong dextrose, IV ba tawag dun di ko alam yon eh, di kasi ako medical, sobrang sakit, maya maya na lang ay inijectionan na ako ng anesthesia, ang naalala ko lang na huling sabi ko "doc ang hapdi" wala lang 60 seconds tulog na ako.
nagising na lang ako nasa recovery room na ako mag alas-dos. sobrang tagal, maya na lang at dinala ako pabalik sa aking room, mejo ok naman ako,
till now di parin me kumakain ng kanin puro lang malamig, kaya pumapayat me.. hahahha

kay abbie, jc, ian, mike thank you pala sa pag babantay nyo sa akin, ito nga pala sila.
jc, abie and ian-male version ni storm (hahaha)

Sunday, March 08, 2009

natatakot

In memory of the Master Rapper Francis Magalona (1964-2009)

"Every color and every hue
is represented by me and you
take a slide in the slope
take a look in the kaleidoscope...
spinning around, make it twirl
in this kaleidiscope world..."


Wherever you are, you will always be in our heart and in pour mind
we love and we will miss you.

isa sa mga favorite artist ko si Francis M. kaya di ko mapigilang umiyak nung araw na sinabi ni vic sotto sa eat bulaga that he passed away already.

Life nga naman full of surprises ndi mo alam kung kelan, pati tuloy ako natatakot.

Natatakot ako kasi ngayong araw na ito i-aadmit na po ako sa hospital UST para makapag rest daw ng maayos dahil bukas March 9,2009 at around 10am ay ooperahan na po ako.

hindi naman major operation kasi tatanggalin lang naman tonsil ko pero still andun pa rin yong kaba at takot dahil hindi ko alam, maraming bagay ang naglalaro sa isip ko na posibling mangyari.

buti na lang din at cover ng Healthcard ko yong pagpapaopera, dahil kung hindi, di ko alam kung san ako kukuha ng pera.

salamat sa lahat, sana maging ok naman ang resulta, hayy natatakot talaga ako. sobrang pag pray ko na mawala ang kaba at takot na nararamdaman ko.

salamat uli...


Thursday, March 05, 2009

ewan

heart to heart talks...

holding hands...

leaning on shoulders...

tight hugs...

goodbye kisses...

half meant jokes...

sweet compliments...

exchanging love qoutes...




tapos friends lang... hay buhay nga naman...


Tuesday, March 03, 2009

best gift...

(ako at sis ko)

been here sa manila for almost 5 years, sobrang hirap ang dinanas ko dito, sobrang pait ang naranasan ko sa mga taong nasa paligid ko, kahit papano may mga natirang tunay na kaibigan, sa kabila ng bagyo at kalungkutan ko anjan sila para ibigay at ibuhos ang tunay na pagmamahal.

labis labis na lang ang pangungulila ko sa aking pamilya na nasa probinsya, walang araw at gabi na di ko sila iniisip, dahil sa kahirapan ng buhay natututu kang mag balat ng buto, at kung ano ano na lang na trabaho ang pinasukan ko para lang may maipadala sa mama ko at pang alawans sa kapatid ko, kahit ako'y pagod na pinilit ko pa rin ang katawan ko magtrabaho dahil kung hindi ako kikilos walang pangtuition ang kapatid ko..

minsan gusto ko ng sumuko, hindi ko na kaya, naiiyak ako dahil, tuwing umuuwi ako sa boarding haus na mimiss ko yong salubong ng mama ko, yong tipong tinatanong ako na "kumusta na araw mo anak?" "kumain ka na ba?" malaman mo na mahal ka at may nag ki-care sayo..

I work hard para sa kapatid ko, para sa mama ko, para sa pamilya ko, simula ng mamatay si papa di naman ako inobliga ng mama ko para mag trabaho pero di ko kaya makita na naghihirap sila, kahit yong kuya ko na walang ginawa kundi umasa lang sa akin at dahil mahal ko sila kaya heto ako pilit na umaasa na balang araw magbabago din ang estadu ng buhay namin.

Alam ko na gagraduate ang kapatid ko ngayong march, kanina lang tenext nya ako, isang maganda surprisa na di ko mapigilang maiyak dahil sa sobrang saya ko, at habang sinusulat ko naiiyak ako kahit papano nagbunga ang pag hihirap ko at may katuwang na ako.

muntik na syang maging cum laude kaso nga lang may isa syang subject nung 3rd yr na hindi umabot sa cut-off. pero ok lang kahit di man sya cum laude masaya pa rin ako. as in sobrang saya ko and im so proud na napa graduate ko sya.

ang sarap ng feeling... lahat ng pagod at paghihirap ko nasuklian na..

salamat kay God sa pag alalay sa akin, at sa mga kaibigan ko na kahit kelan anjan para suportahan ako.