Pages

Thursday, October 16, 2008

sana minsan...


di ko kaya ipagtapat ang pag-ibig ko
sa isang taong pilit iniiwasan ko
kaibigan lang, sakin yan ang turing mo
pag-ibig, yan ang nakita ko sayo

habang sa akin ay papalapit ka
pano ko sasabihing mahal kita
pintig ng puso ko'y sobrang kaba
dahil alam ko ika'y may mahal ng iba

pinilit kong intindihin ang mga pangyayari
pinilit tangapin na ika'y di ko pag-aari
pinilit unawain na ika'y mapalayo sa akin
pinilit kong tiisin kahit masakit na sa damdamin

ngunit hanggang kelan ako maghihintay
sa pag-ibig mong aking inaantay
pag-ibig na ibinigay mo ng buo sa kanya
sana'y minsan ay aking madama




7 comments:

Rio said...

haayyyy...unrequited love?? hirap nga ito..

sana makakita ka na ng right person na magmamahal na sau ng tama..

Fjordan Allego said...

grabe... pag ibig na naman... nkakapraning talagang magmahal ano?

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

_ice_ said...

wala lang.. mahilig lang aman talaga ako magsulat.. pero im ok dont worry about me guyss.. mahiliglang ko mag sulat ng pag ibig

Enday said...

shocks,
nakakarelate ako dito.
sobra.
tamang tama.
ang deep.

*palakpakan*
magaling..

Chyng said...

parang "OO" ng UPDHARMA.

..puro nalang siya, sana ako naman..

sigh**

JoShMaRie said...

masakit yan. unreciprocated love. aw!

Roland said...

pero dba dapat pag nagmamahal ka hindi ka naghihintay ng kapalit... kasi pag ginawa mo yun, masasaktan ka lang.

sabi nila, everything is fair in love... hindi totoo yun!