Pages

Thursday, March 01, 2012

kelangan ko ang tulong mo, kaibigan

tagal tagal na rin palang akong hindi nakapag-sulat, sa totoo lang di naman talaga ako ganun ka busy kasi wala naman talaga akong trabaho, yong pag Do-dota lang talaga ang kinabaliwan ako kaya masyado akong na focus dun sa larong iyon.

Kumusta na nga ba ako?

Ito yong tanong sa sarili ko habang sinusulat ko ang entry na ito, napansin ko lang kasi sobrang pabaya na ako sa sarili ko, walang ganang maghanap ng trabaho, lagi na lang umaasa sa padala ng isang matalik na kaibigan, pinapaniwala ko sya na may trabaho na ako pero sa totoo wala na man talaga.

Kumusta na nga ba ang buhay ko?

malapit na me lumagpas sa kalendaryo pero heto pa rin ako walang permamenting trabaho, hindi ko alam kung anong gusto ko sa buhay ko, feeling ko walang direction, kaya sana minsan nga naiisip ko sana habang natutulog ako sana kunin na lang ako niLord, sana nga si Lord kumuha sa akin.

Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko rin alam pano mag karoon ng isang magandang simula para sa isang pagbabago,

sana mabigyan nyo ako ng payo para sa ikabubuti ko,

maraming salamat kaibigan..


3 comments:

T.R.Aurelius said...

are you looking for a job?

PM me in my FB account,
zero26gravity@yahoo.com,

i can help you :)

Arvin U. de la Peña said...

kumusta na..

fiel-kun said...
This comment has been removed by the author.