been here sa manila for almost 5 years, sobrang hirap ang dinanas ko dito, sobrang pait ang naranasan ko sa mga taong nasa paligid ko, kahit papano may mga natirang tunay na kaibigan, sa kabila ng bagyo at kalungkutan ko anjan sila para ibigay at ibuhos ang tunay na pagmamahal.
labis labis na lang ang pangungulila ko sa aking pamilya na nasa probinsya, walang araw at gabi na di ko sila iniisip, dahil sa kahirapan ng buhay natututu kang mag balat ng buto, at kung ano ano na lang na trabaho ang pinasukan ko para lang may maipadala sa mama ko at pang alawans sa kapatid ko, kahit ako'y pagod na pinilit ko pa rin ang katawan ko magtrabaho dahil kung hindi ako kikilos walang pangtuition ang kapatid ko..
minsan gusto ko ng sumuko, hindi ko na kaya, naiiyak ako dahil, tuwing umuuwi ako sa boarding haus na mimiss ko yong salubong ng mama ko, yong tipong tinatanong ako na "kumusta na araw mo anak?" "kumain ka na ba?" malaman mo na mahal ka at may nag ki-care sayo..
I work hard para sa kapatid ko, para sa mama ko, para sa pamilya ko, simula ng mamatay si papa di naman ako inobliga ng mama ko para mag trabaho pero di ko kaya makita na naghihirap sila, kahit yong kuya ko na walang ginawa kundi umasa lang sa akin at dahil mahal ko sila kaya heto ako pilit na umaasa na balang araw magbabago din ang estadu ng buhay namin.
Alam ko na gagraduate ang kapatid ko ngayong march, kanina lang tenext nya ako, isang maganda surprisa na di ko mapigilang maiyak dahil sa sobrang saya ko, at habang sinusulat ko naiiyak ako kahit papano nagbunga ang pag hihirap ko at may katuwang na ako.
muntik na syang maging cum laude kaso nga lang may isa syang subject nung 3rd yr na hindi umabot sa cut-off. pero ok lang kahit di man sya cum laude masaya pa rin ako. as in sobrang saya ko and im so proud na napa graduate ko sya.
ang sarap ng feeling... lahat ng pagod at paghihirap ko nasuklian na..
salamat kay God sa pag alalay sa akin, at sa mga kaibigan ko na kahit kelan anjan para suportahan ako.
8 comments:
Hi Ice!
Ramdam ko sa kwento kung gano ka kasaya. Im so happy too, fulfilling yan.
After all the scarifices, finally natapos na siya.
Congrats sa kanya at sayo!
masaya din ao para sa yo.
congrats sa kapatid mo
im so happy for you bro!
ahhhhh..wag ka ng magtampo, lagi naman kitang pinapasyalan eh, misan kasi error ayaw mag upload ng post..
pa hug ngaaaaa!!! o ayan ah, kasi naman kapag online ka buzz me sa ym
nakarelate ako sa kwento mo....miss ko na rin family ko pero iniisip ko na lang na para sa kanila ang gnagawang kong ito..
keep up the good works brod....
@chyng - tnx chyng di na nga ako makaantay excited na me umuwi.. hehehe
@abou - tnx bro...
@jex - tnx sa yakap hehehehe salamat, di ako nagtatampo nag papansin lang hehehehe
@cano - tnx sa pagdalaw tol...
una, salamat po sa pagdaan!=p
namiss ko tuloy ang ate ko.
pero kunga anu ang success meron si sis mo, for sure ang laking kawalan na ng lahat ng pagod at effort mo sa work.
congrats kay sis at ingats po palagi=)
congrats bro!!! masarap sa pakiramdam na nakikita natin yung sakripisyo at paghihirap na ginagawa natin.
huwag kang mainip... and Trust Him ...iikot din ang gulong ng buhay nyo.
Post a Comment