Pages

Monday, September 07, 2009

nakakalito, nakakapagod pero go pa rin

simpleng bagay minsan nakakairita, halos masira na buong araw mo, bakit kaya ganun? siguro sa dami na ngyayari sa paligid natin kaya tayo nagkaganito.

sa mga ginagawa ng mga tao kaya siguro ganito na tayo umasta, naiinis, gustong sumigaw at magwala. nakakalito, nakakapagod, parang walang katapusan ang hirap ng buhay.


hay ang buhay nga naman, sana pag ibig na lang ang isipin (jolens kaw ba yan?) sa bawat kilos ng mga tao sa paligid sana lahat ng bagay na ginagawa nila dahil sa pag ibig.


ang hirap naman kasi ng buhay natin, kung lagi nasa baba tayo parang nasa baba na tayo forever kahit sabihin pa nila na aahon din tayo.


pero kelan pa? pag pumuti na ang uwak? mantakin mo na lang pag nag iisa ka diba? para atang lahat ng bagay dito sa mundo walang kasiguraduhan,


walang mag tatagal, puro hiram, pagkatapos ka ng pag sawaan iiwan ka,


kahit pag ibig di mo alam good terms kayo ngayon pero hindi mo alam bukas wala na.pano ba maging handa tayo? matatanggap kaya natin?


pano tayo makapag move-on kung yong bagay na gusto nating mangyari sa buhay ay yaong mga bagay na dapat kalimutan at di pwedeng gawin?


sobrang nakakalito no?yong gusto mo di naman pwede? yong ayaw mo sdya naman ang dadating? hay ewan ko ba? basta ako go with the flow na lang,


kung masakit man pilitin kung iintidihin the best i can, pilitin kung tanggapin no matter how it hurts, alam naman kasi natin na sisikat din ang araw after ng bagyo pero pano pag matanda ka na saka pa sisikat? unfair diba?


ang tagal tagal mong naghirap tapos malalampasan mo lang yon eh matanda ka na.nakakatawa... kaya sabay na lang tayo sa agos ng buhay natin. masaya man o malungkot, mahirap man o hindi go pa rin friend malay natin along the road magkasabay tayo diba?


just in case lang na magkasabay tayo hawak kamay tayo ha walang bibitaw, maganda di kasi pag may kasama ka, may kausap ka, may kaagapay ka sa t'wina..


nakss naman..hanggang dito na lang, at salamat sa pagbabasa.. ok?

3 comments:

Chyng said...

Hi Ice,
nawala ka agad kahapon.. di na kita nakita.. anyway, nice meeting you. ;D

Rio said...

ganda ng bagong bahay mo ah=D

lucas said...

sabi nga ng T-shirt na suot ko ngayon-- Ang buhay parang bato, It's Hard. :)

---

hindi kita tinanggal, mate. click mo yung Show All under Patrons of Karen's Cafe.

:P