Pages

Friday, November 13, 2009

a new beginning

Minsan ang buhay talagang nakakalito, siguro hindi lang minsan kundi most of the time, mahirap ipaliwanag ang di mo maintindihang nararamdaman sa kaibuturan ng iyong puso, subalit datapwat- pilit mong iniisip na tama ito pero at the back of your mind, naguguluhan ka lang..

tulad ng isang pag-ibig.. siguro lahat naman nakakaranas kung pano main-love, diba?

Isang araw dumating sa buhay mo ang taong iyon, sa hindi inaasahang pagkakataon o kaya sa di inaasahang lugar, tapos nagkatinginan kayo, at biglang nagkaroon ng spark, masasabi mo ba na sya na?

then, almost everyday magkasama kayo dahil feeling mo namimiss mo yong tao, feeling mo gusto mo na sya, pero at the end malalaman mo na naguguluhan ka lang pala, hindi ka sure sa mga ngyayari, naghahanap ka lang pala ng atensyon.

***********************************

sadya nga bang kay lupit ng tadhana, buhay natin ay pinag-lalaruan, pati puso natin kaya nyang saktan. Kung may pagkakataon man maituwid ang pagkakamali iyon ay huli na.

Sinaktan na natin ang taong kahit papano'y minahal din natin ng totoo, gayun nga lang sa mga oras na yon isip natin ay nalilito.

Minsan iniisip ko na lang ng matulog sa buong araw, manood ng tv yong tipong wala kang iisipin kundi kumain matulog at tumawa, pero malabo atang mangyari yon.

Ang hirap mag disisyon, hindi mo alam kung mapapahamak ka sa disisyon mo o ikakabuti sya, katulad ngayon aalis na ako papuntang davao as in uuwi na ako for good, nag render na lang ako ng 30 days sa company, pero hindi pa rin mawawala sa isip ko kung makakahanap ba ako ng work padating sa davao baka naman kasi ma tanggong ako pagdating dun, ayaw kong maging jobless ang hirap ata pag walang pera.

Naiiyak ako dahil mamimiss ko yong hauzmate ko na walang kasing ogag sa buhay, yong katrabaho ko, hindi nila inakala na magreresign ako sa work, for almost 3yrs di nila akalain na lilisanin ko ang lugar na iyon at mananatili na lang sa probinsya.

Naiiyak ako dahil sa mga taong malapit sa buhay ko ay iiwanan ko na sila, kahit sabihin nating meron namang kumyonikasyon iba pa rin ang nakikita mo at nakaka-usap mo sila ng harap harapan.

Naiiyak ako dahil mamimiss ko yong mga tawa namin, yong tipong nag-uusap kami tungkol sa hirap ng buhay, problema, alam mo yong may matatakbuhan ka pagdating sa mga bagay na iyon.

Naiiyak ako dahil hindi ko alam pano mag-umpisa ng panibagong buhay sa probinsya, pano ko itataguyod ang buhay ko kasama ang mga estranherong tao sa paligid ko,

Naiiyak ako dahil pano pag magkaproblema ko sino yong tatakbuhan ko, yong tipong isang text lang anjan na sila, kahit hindi pa ngyayari ang mga iyon natatakot ako dahil alam ko balang araw mangyayari iyon.

Naiiyak ako dahil ang liit ng sweldo sa davao hindi ako sanay, at wala akong mauutangan dahil wala na si mhel, alangan naman mag pa western union pa sya, malabo ata nyang gawin yon.

Naiiyak ako dahil may maiiwan, isang tao na minsan ay minahal ko ng totoo, hindi ko alam pano mag paalam sa taong ito, hindi ko alam pano sabihin ang mga katagang "PAALAM".

Pero alam ko isa itong kagustuhan ng Diyos, alam nya ang buhay ko, di naman nya siguro akong hayaang magdisisyon kung di ko kaya.

Sa lahat ng tao na nakilala ko dito sa manila, hindi ko alam pano sabihin ito kundi maraming salamat na naging bahagi kayo sa buhay ko, sa mga blogger na naging friend ko dalaw dalaw na lang kayo sa bahay ko.

handa na rin akong mag- umpisa ng bagong buhay sa davao...

Hanggang sa muli..


3 comments:

Anonymous said...

you'll be ok in time

Herbs D. said...

cheer up buttercup <3

escape said...

ang buhay ay weather weather lang ika nga.